Linggo, Hulyo 31, 2016

                     Wikang Filipino ang ating pambansang wika at ang opisyal na wika dito sa ating bansa. Ang karunungan ay ang pag-unawa natin sa tama at mali. Kaya, kung ito ay pagsama-samahin ito ay mahalaga sapagkat ang layunin nito ay pagkakaroon ng isang wikang pambansa, wikang kaya nating intindihin at wikang kaya nating pag aralan. Kahit madami nang wika sa Pilipinas, ang wikang Filipino ang mas mahalaga sapagkat ito ang wika ng ating karunungan; karunungan ng pagkakaroon ng matinong pag-iisip o pinag-aralan na may kaugnayan sa sentido kumon, talino, erudisyon at tinig ng pag-iisip na ating isinasa tinig para sa ating bansa. Ang wikang Filipino ay wika ng himagsikan at katipunan na higit na mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas.Filipino wika ng karunungan ay isang wikang dalubhasa at may matalinong pag-iisip sa paggamit. Ang ating wika ay parang kultura na kailangang alagaan, ipagyabang at gawin ng may karunungan upang mapanatili ang mga yaman ng Pilipinas na pinapahalagahan ng ating mga ninuno. Ang wikang Filipino ay nagbibigay ng kaalaman upang maintindihan ang nais na maipahiwatig at ang nais na ipahatid nito.
                    Ito ay simbolo ng ating lahi at hindi kailanman mapapalitan ng anumang wika kahit may ibang lahi na sumakop sa ating bansang Pilipinas. Ang wikang Filipino ay karugtong na ng ating buhay at kaluluwa; at nakaratay na sa ating dugo at laman. Ang wikang Filipino ang nagpapaunlad ng ating kultura at tradisyon, at ito ay kailangang isapuso at bigyan ng kulay upang ang bagong sibol ng ating henerasyon ay mas maipagmamalaki ang ating wikang Filipino.
                    Filipino, wika ng karunungan ay karugtong din sa ating kaalaman. Ang wikang Filipino ang nagbibigay sa atin ng ideya. Ito ay nagbibigay daan upang magkaunawaan. Ang wikang Filipino ay mahalaga sapakat ito ang nabibigay daan upang malaman ang nais ipahayag ng mga tao, at ito rin ang magbibigay daan upang tayo ay magkaisa. Ito ang bumubuo sa ating kultura bi;ang Pilipino at ito ay makulay at mayaman sa ideya. Ang Pilipinas ay may maraming pulo kaya ang may mga dugong Pilipino ay nakabuo ng iba't-ibang tribo o grupo na nagtataglay ng iba't-ibang kulturang nabuo. Kahit, may mga etnikong grupo na nabuo; pero ang wikang Filipino na ating karunungan at kaalaman ay ang sumisibolo sa pinaka-rurok ng ating bansang Pilipinas.














Pangkat 3

Lider: 
        Realyn M. Labador
Mga miyembro:
        Stella Mae Maguindanao
        Bianca Putao
        Roselle Cerro
        Irah Marie Camensi
        Marry Eunice Santillan
        Eduardo Baldorado
        Kenth Jay Balura
        Zyrrele Jane Pahayahay 
        Mary Ann Taghoy