Ito ay simbolo ng ating lahi at hindi kailanman mapapalitan ng anumang wika kahit may ibang lahi na sumakop sa ating bansang Pilipinas. Ang wikang Filipino ay karugtong na ng ating buhay at kaluluwa; at nakaratay na sa ating dugo at laman. Ang wikang Filipino ang nagpapaunlad ng ating kultura at tradisyon, at ito ay kailangang isapuso at bigyan ng kulay upang ang bagong sibol ng ating henerasyon ay mas maipagmamalaki ang ating wikang Filipino.
Filipino, wika ng karunungan ay karugtong din sa ating kaalaman. Ang wikang Filipino ang nagbibigay sa atin ng ideya. Ito ay nagbibigay daan upang magkaunawaan. Ang wikang Filipino ay mahalaga sapakat ito ang nabibigay daan upang malaman ang nais ipahayag ng mga tao, at ito rin ang magbibigay daan upang tayo ay magkaisa. Ito ang bumubuo sa ating kultura bi;ang Pilipino at ito ay makulay at mayaman sa ideya. Ang Pilipinas ay may maraming pulo kaya ang may mga dugong Pilipino ay nakabuo ng iba't-ibang tribo o grupo na nagtataglay ng iba't-ibang kulturang nabuo. Kahit, may mga etnikong grupo na nabuo; pero ang wikang Filipino na ating karunungan at kaalaman ay ang sumisibolo sa pinaka-rurok ng ating bansang Pilipinas.
Pangkat 3
Lider:
Realyn M. Labador
Mga miyembro:
Stella Mae Maguindanao
Bianca Putao
Roselle Cerro
Irah Marie Camensi
Marry Eunice Santillan
Eduardo Baldorado
Kenth Jay Balura
Zyrrele Jane Pahayahay
Mary Ann Taghoy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento